Rebelde patay sa enkwentro sa militar sa Northern Samar

Patay sa enkwentro sa militar sa Las Navas, Northern Samar ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon sa Philippine Army, nagkaroon ng 10 minitong bakbakan ang NPA at tropa ng 803rd Infantry Brigade sa Barangay Tagan-ayan.

Walang ulat ng casualties sa panig ng gobyerno.

Narekober sa mga rebelde ang isang ingram firearm na may ammunition at isang home-made shotgun.

Ayon kay Major General Raul Farnacio, commander ng Army 8th Infantry Division, tumugon ang mga sundalo sa ulat na mayroong mga rebelde sa lugar.

Hinimok naman nito ang mga NPA members na sumuko at magbagong-buhay na sa tulong ng pamahalaan.

Read more...