Number coding para sa provincial buses sa May 10 at 14 sinuspinde ng MMDA

Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng number coding para sa mga provincial buses sa Biyernes May 10 at Martes May 14, 2019.

Ayon kay MMDA traffic manager Bong Nebrija, lifted ang coding para sa provincial buses sa naturang mga petsa para sa mga pasahero na uuwi sa mga probinsya para bumoto.

Kadalasang idinedeklara ng Malakanyang na non-working holiday ang araw ng halalan na papatak ngayong taon sa Lunes May 13.

Ang number coding ay automatic naman na suspendido tuwing holiday.

Read more...