WATCH: Trailer ng “Spider-man: Far From Home” inilabas na

Screengrab from Marvel video

Inilabas ng Marvel ang trailer ng “Spider-man: Far From Home” araw ng Martes at nagtala na agad ito ng halos 4 na milyong views.

Pero bago magsimula ang trailer ng bagong Spider-man movie ay binalaan ng aktor na si Tom Holland ang audience na isa itong spoiler.

Ito ay dahil naka-sentro ang pelikula sa buhay ng karakter ni Peter Parker matapos ang “Avengers: Endgame.”

Mapapanood sa trailer ang pagnanais ni Peter Parker na kumawala sa buhay nito bilang superhero.

Pero hindi siya tinatantanan ng karakter na si Nick Fury, ang director ng Avengers, kaya naharap si Spider-man sa desisyon na muling iligtas ang mundo.

Ang “Spider-man: Far From Home” ay nakatakdang ipalabas sa mga sinehan ngayong Hulyo.

Read more...