Daraga Mayor Baldo, isa ng ‘wanted’ ayon sa pulisya

Idineklara na ng pulisya si Daraga Mayor Carlwyn Baldo na isang “wanted person” matapos mabigong maisilbi ang warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong double murder at six counts ng attempted murder.

Ayon kay Daraga Police chief Lt. Col. Rodelon Betita, ang kabiguang mahanap at maaresto si Baldo ang dahilan para ilagay nila ito sa listahan ng mga wanted o nagtatagong tao.

Inakusahan si Baldo na utak sa pagpatay kay AKO Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre.

Magkalaban sana sina Batocabe at Baldo sa pagtakbo bilang alkalde ng Daraga sa May 13 elections.

Ang kongresista ay pinalitan ng asawa nitong si Gertrudes sa pakandidato bilang mayor.

Ayon kay Betita, sinabihan nila ang misis at abogado ni Baldo na kumbinsihen itong sumuko na.

Sa ngayon ay minomonitor ng pulisya ang mga lugar kung saan pwedeng nagtatago si Baldo.

Read more...