Naging pasabog ang mga suot na damit nina Jennifer Lopez, Celine Dion, Lady Gaga at iba pa.
Nabatid na apat na outfit ang ginamit ni Lady Gaga habang si Jennifer Lopez naman ay suot ang beaded Versacé dress na mayroong thigh high split at plunging neckline.
Tinernuhan pa ni Lopez ang kaniyang damit ng headpiece at 129.48 carat na Harry Winston purple Sapphire at Diamond na kwintas.
Kasama ni Lopez ang kanyang fiancé na si Alex Rodriguez.
Ang tema ng Met Gala ngayong taon ay Camp: Notes of Fashion.
Ginaganap ang Met Gala kada unang Lunes ng buwan ng Mayo.
MOST READ
LATEST STORIES