Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas na target na naglalayong gabayan ang mga Filipino sa pagtitipid sa paggamit ng kuryente sa bansa.
Nakapaloob sa Republic Act 11285 o Energy Efficiency and Conservation Act ang pagpapatupad ng National Energy Efficiency and Conservation na gumawa ng feasibility strategies at maayos na sistema para sa regular monitoring at evaluation ng paggamit ng kuryente ng bansa.
Pinagagamit din ng bagong batas ang renewable energy technologies para makatipd sa kuryente.
Kinakailangan na magtatag ng Inter-Agency Energy Efficiency and Conservation Committee na mangangasiwa sa pag-apruba ng proyekto ng gobyerno na layuning makapagtipid ng kuryente ang bansa.
MOST READ
LATEST STORIES