Sunog, sumiklab sa isang residential area sa QC

Tinupok ng apoy ang ilang kabahayan sa isang residential area sa Quezon City, Martes ng hapon.

Batay sa ulat, apektado ang anim na pamilya sa Barangay E. Rodriguez sa bahagi ng Annapolis corner New York Streets.

Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Quezon City, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bandang 12:46 ng hapon.

Makalipas ang halos isang oras, idineklara nang kontrolado ang sunog bandang 1:20 ng hapon.

Sinabi naman ng Philippine Red Cross na nagpadala sila ng ambulansya para rumesponde sa mga apektadong residente.

Read more...