Aabot sa 800,000 ang mga pulis at sundalo kabilang ang iba pang government personnel ang itatalaga sa May 13 elections.
Ang nasabing bilang ay mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Commission on Elections (Comelec) at Department of Education (DepEd).
Sa 800,000 katao na ide-deploy, 98,000 ay sundalo at 143,000 ang mga pulis.
Ayon kay AFP chief General Benjamin Madrigal Jr., 70 percent ng total strength ng AFP ang nakatalaga sa eleksyon.
Martes ng umaga ay isinagawa na ang ceremonial send-off para sa ide-deploy sa halalan.
MOST READ
LATEST STORIES