Pagsusulong ng Pederalismo mapapadali kung mananalo ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa nalalapit na eleksyon

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na mas mapapabilis ang pagtutulak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pederalismo kung karamihan sa mga kaalyadong kandidato ang mananalo sa May 13 elections.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, magiging plantsado ang pag-usad ng Pederalismo kung ang mismong mga ini-endorsong kandidato ni Pangulong Duterte ang nagtutulak na sa naturang hakbangin sa kongreso.

Sinabi pa ni Panelo na hindi pa kapos sa panahon si Pangulong Duterte na maitaguyod ang Pederalismo kahit na tatlong taon na lamang ang natitira sa kanyang panunungkulan sa Malakanyang.

Matatandaang mismong ang anak ni Pangulong Duterte na si Davao City Mayor Sara Duterte ay tutol sa pederalismo dahil ang mga warlord lamang anya sa Mindanao Region ang makikinabang sa pagbabago sa kasalukuyang porma ng gobyerno.

Read more...