Alyas ‘Bikoy’ dapat dumulog sa mental hospital at hindi sa IBP ayon kay Bong Go

Inquirer Photo
Nagkamali si Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy’ sa pagdulog sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ayon kay dating Special Assistant Secretary to the President Christopher “Bong” Go, hindi dapat sa IBP kundi sa mental hospital nagtungo si alyas Bikoy.

Si Bikoy ang nasa video na nagdadawit sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kay Go sa operasyon sa iligal na droga.

Ayon kay Go wala siyang tattoo sa likod taliwas sa pahayag ni Bikoy na ini-scan niya ang likod ng dating kalihim para maberipika ang transaksyon ng international drug syndicate.

Iginiit pa ni Go, na panahon ngayon ng eleksyon kung kaya mauuso na naman ang black propaganda at siraaan sa mga kandidato.

Hamon ni Go sa publiko, kung naniniwala ang taumbayan sa mga pahayag ni Bikoy dapat ng iboto ang mga taga-Otso Direcho partikular na sina Bam Aquino at Garry Alejano.

Ayon kay Go, tanging pimples, stretch marks, nunal, balat at bilbil ang mayroon sa kanyang likod at hindi ang tattoo.

Read more...