Pinoy tennis coach sa California na nasangkot sa pangmomolestya hinatulan makulong ng 250 years

Nahaharap sa 250 years na pagkakabilanggo ang isang Pinoy na tennis coach sa California.

Hinatulan ng hukom sa California si Normandie Santos Burgos, 55 anyos ng 250 years na pagkakabilanggo dahil sa kasong child molestation.

Si Burgos ay napatunayang guilty sa 60 bilang ng nasabing kaso makaraang pwersahin at takutin ang mga menor de edad na lalaking estudyante na makipagtalik sa kaniya.

Si Judge Charles Burch ang nagbaba ng hatol kay Burgos.

Ayon sa hukuman matibay ang ebidensya laban kay Burgos dahil mayroong video kung saan makikitang pinupwersa niya ang isang menor de edad.

Naaresto si Burgos noong July 2017.

Taong 2006 nang siya ay sibakin sa Tamalpais High School sa California.

Read more...