Number 1 most wanted sa Taytay, Rizal arestado sa kasong rape

Arestado ang number 1 most wanted para sa kasong rape sa Taytay Rizal.

Kinilala ni Rizal Provincial Director, Police Colonel Lou Evangelista ang nadakip na suspek na si Leo Cancino, 27 anyos at isang vendor.

Sa report ng Taytay police station, dinakip ang suspek sa Sitio Panghulo Floodway, Brgy. San Juan, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng 4th Judicial Region ng Cainta dahil sa kasong statutory rape.

Hawak ngayon ng Taytay Municipal Police Station ang suspek.

Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kaniyang kalayaan.

Read more...