2 taxi driver arestado matapos mangholdap ng pasaherong dayuhan sa Makati

Arestado ang dalawang taxi driver makaraang holdapin umano ang kanilang pasahero na kapwa dayuhan sa Makati City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Fredelino Amiado, 43 anyos at residente ng Caloocan City at si Ricardo Villarin, 47 anyos, residente ng Paranaqe City.

Minamaneho ng dalawa ang J.P. Dela Cruz Taxi at Pot-Pot Taxi.

Isinagawa ang operasyon laban sa dalawang taxi driver makaraang ireklamo sila ng Chinese Nationals na naging pasahero nila.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong robbery-holdup.

Read more...