Hinihinalang pusher at holdaper patay sa engkwentro sa Caloocan City

Nasawi ang isang umano’y holdaper at tulak ng droga matapos mauwi sa engkwentro ang buy-bust operation sa Sta. Quiteria, Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police – Drug Enforcement Unit Deputy Chief Pol. Capt. John David Chua, isinagawa nila ang operasyon laban kay alyas ‘Totoy’ sa madilim na bahagi Sta. Quiteria.

Nakaramdam umano ang suspek na pulis ang kanyang mga katransaksyon kaya’t bumunot ito ng baril at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na agad na ikinasawi ng suspek.

Notoryus umanong holdaper at drug pusher ang suspek sa South Caloocan at maging sa Navotas.

Read more...