PNP members nangunguna sa Local Absentee Voting turnout – Comelec partial report

Pinakamarami sa kasalukuyan ang mga balota mula sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Local Absentee Voting (LAV) accomplished ballots na natanggap ng Commission on Elections.

Sa datos na inilabas ng Comelec araw ng Lunes (May 6), 1,364 ng 2,816 ballots na kanilang natanggap hanggang May 2 ay mula sa PNP.

Pumapangalawa naman ang mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF) na may 468 ballots at pangatlo ang Philippine Army (PA) sa 463.

Pang-apat ang media members sa may mataas na LAV turnout sa 332, at ikalima ang Comelec employees sa 130.

Ilan pa sa mga nakilahok sa LAV ay mula sa Department of Education (DepEd) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Umarangkada ang LAV mula noong April 29 hanggang May 1 mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang LAV ay para sa mga empleyado ng gobyerno, pulisya, militar at mga miyembro ng media na magtatrabho sa araw ng eleksyon at walang pagkakataong makaboto sa kanilang polling precincts.

Read more...