GSIS, may P2.6 bilyong cash gift para sa mga pensioners

 

Simula ngayong araw, ipapamahagi na ng Government Service Insurance System o GSIS ang cash gift ng 235, 180 nilang mga pensioner.

Naglaan ng kabuuang 2.6 bilyong piso ang ahensya upang magsilbing cash gift ng mga retiradong manggagawa sa pampublikong sektor para sa taong ito.

Ayon kay GSIS President at General Manager Robert G. Vergara, ang naturang halaga ay mas mataas ng walong porsiyento kumpara sa pondong inilaan noong nakaraang taon.

Dahil sa dagdag sa pondo, ang mga pensioners na tumanggap ng higit sa sampung libong piso ay tatanggap na ng hindi lalampas sa P12,600 na bonus para sa buwang ito.

Samantala, ang mga nakatanggap naman ng mas mababa sa sampung libong piso noong 2014, ay tatanggap ng hindi lalampas sa kaparehong halaga ngayong 2015.

Read more...