Ipinamahagi na ang 14-pahinang ng “clean text” ng draft Paris agreement alas-3 ng hapon Huwebes, alas-11 ng gabi dito sa Pilipinas, na naglalayong pigilan at kontrolin ang mga pinakamalalang epektong bitbit ng climate change.
Noong December 5 lamang ay 21-pahina pa ang haba nito, pero nabawasan na ito at naging 14, habang ang kaakibat nitong draft decision na dati ay 23-pahina, ngayon ay 15-pahina na lamang ang haba.
Ang pag-ikli ng mismong draft agreement ay isang senyales ng mas mabuting negosasyon sa pagitan ng mga ministers.
Batid naman na kabilang sa bagong draft ang lahat ng mga panukalang ibinigay ng delegasyon ng Pilipinas ngunit mistulang opsyon o pinagpipilian lamang ang mga ito at posible pang isailalim sa negosasyon.
Samantala, nakatakda na ring magpadala ng ulat ang Philippine delegation sa COP21 kay Pangulong Benigno Aquino III tungkol sa draft agreement.
Ito ay para malaman muna nila ang katayuan ng Pangulo sa mga paunti-unting nabubuong kasunduan sa mga kasapi ng pagtitipon.
Bagaman maaari ring magbigay ng kaniyang mga rekomendasyon si vice chair of the Climate Change Commission (CCC) Sec. Manny de Guzman, mas mahalaga pa rin na magkaroon ng pagkakataon ang Pangulo na magbigay ng kaniyang mungkahi bago tuluyang sumabak sa mga susunog pag yugto ng pagbuo ng kasunduan.
Sa Biyernes na nakatakdang isa-pinal ang Paris agreement./