Malaking bahagi ng pondo ng DOTr sa 2020, ilalaan sa railway system – Tugade

Nakalaan sa pagpapagawa ng mga railway system ng bansa ang malaking bahagi ng pondo ng Department of Transporation (DOTr) para sa susunod na taon.

Sa pagharap sa House Oversight Committee on Transportation, sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na aabot sa P393.3 bilyon ang kanilang hihinging budget sa Kongreso sa susunod na taon.

Kasama anya rito ang para sa pagsasa-ayos at pagpapatayo ng bagong railway system na aabot sa P267 bilyon.

Sinabi naman ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan ang tatlong China-funded na railway projects na target na umusad ngayong taon partikular ang Subic-Clark railway project, PNR Bicol southline at ang Mindanao railway project.

Tiniyak naman ni Batan sa ilalim ng mga naturang proyekto na uutangin sa China na tanging mga highly-technical skilled workers lang ang kukunin sa Tsina at mga Filipino ang kukuning manggagawa.

Maliban sa China-funded railway projects, limang Japan-funded projects kabilang na ang Metro Manila subway na layong magkaroon ng partial operability pagsapit ng 2020.

Read more...