Muling ipinakita ni dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go ang kaniyang likod sa publiko.
Ito ay para patunayang wala siyang dragon tattoo sa kaniyang likod taliwas sa inihayag ni Peter Joemel Advincula o mas kilala bilang alyas ‘Bikoy’ na sangkot umano si Go sa sindikato ng droga.
Sinabi pa ni Advincula na siya mismo ang nag-scan ng umano’y tattoo ng senatorial candidate.
Sa isang press conference, tinanong pa ni Go ang media kung mayroon silang nakikitang tattoo o wala.
Kabilang sa naturang event sina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at sina reelectionist senators Nancy Binay, Sonny Angara at Bam Aquino.
Ayon pa kay Sotto, hinawakan niya ang likod ni Go at sinabing wala siyang nakapang make up dito.