Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan ang binabantayang low pressure area (LPA) sa ilang bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA weather bureau, maaapektuhan nito ang bahagi ng Metro Manila, Ilocos region, Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon area.
Huling namataan ang LPA sa layong 145 kilometers sa Hilagang bahagi ng Laoag City, Ilocos Norte.
Sinabi naman ng PAGASA na tuloy pa rin ang kanilang pag-monitor sa isa pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong nakita sa layong 1,230 kilometers sa Silangang bahagi ng Mindanao.
Tiniyak naman ng ahensya na hindi magiging tropical cyclone o bagyo ang dalawang LPA.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na isolated rain showers ang ilang parte ng bansa.