Ayon kay Bureau of Immigration (BI) port operations division chief Grifton Medina, naaresto si Huang Chung-Chia, 33-anyos, sa NAIA Terminal 1 noong araw ng Biyernes.
Nagtangka umanong umalis si Huang na nagpanggap bilang isang Filipino at gumamit ng sirang pasaporte.
Wanted din aniya si Huang sa Taiwan dahil sa kinakaharap na kasong fraud.
Dagdag pa ni Medina, mayroong pending na deportation case ang dayuhan kasunod ng naging hiling ng Taipei Economic and Cultural Office (TECO).
Ayon naman kay Glenn Ford Comia, pinuno ng travel control and enforcement unit ng ahensya, napag-alaman ang tunay na pagkakakilanlan ng dayuhan nang isuko nito ang kaniyang non-professional driver’s license na may totoong pangalan at petsa ng kapanganakan nito.
Inamin din aniya ni Huang na isa siyang Taiwanese at binili ang pekeng pasaporte sa iang fixer sa halagang P130,000.
Lumabas pa sa imbestigasyon na si Huang ay isa nang overstaying alien matapos magtago sa Pilipinas simula June 2, 2018.