Lalaking pasahero nahulihan ng marijuana sa LRT

File photo

Arestado ang isang lalaking pasahero ng Light Rail Transit (LRT-2) makaraang mahulihan ng tuyong marijuana sa istasyon ng tren.

Batay sa ulat mula sa Quezon City Police District (QCPD), nakita kay Joseph Regaro, 21-anyos, ang isang ziplock plastic na may lamang marijuana nang dumaan sa inspeksyon sa south entrance ng LRT-2 Gateway Station bandang 2:18 Linggo ng hapon.

Namataan ang marijuana sa harap na bulsa ng sweat shirt ni Regaro.

Agad tumawag ang security guard na si Roberto Hagoot sa Cubao Police Station and Regional Mobile Force Battalion.

Sa ngayon, si Regaro ay nasa kustodiya na ng Cubao Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...