Panelo: Paninira ni Trillanes sa pangulo nag-boomerang sa kanyang mukha

Mismong ang sarili ni Senador Antonio trillanes IV ang pinatutungkulan nang sabihing tamad at mistulang hari kung umasta si Pangulong Rodrigo Duterte nang magpahinga ng limang araw sa Davao City.

Kasunod ito ng paglabas ng isang larawan ng pangulo habang nanonood na Netflix na “Django Unchained”.

Ayon kay presidential spokesman Salvador panelo, hindi tamad si Pangulong Duterte.

Katunayan, kahit hatinggabi nagtatrabaho pa rin ang pangulo.

Karaniwan aniyang natutulog ang pangulo ng alas sais o alas syete ng umaga at nagigising sa hapon.

Natambakan aniya ng trabaho si Pangulong Duterte dahil sa pagdalo sa Belt and Road Forum sa Beijing, China at pagkatapos ay dumalo pa sa opening ng Palarong Pambansa.

 

Read more...