Duterte lalagare sa mga huling araw ng kampanya

Inquirer file photo

Matapos ang isang linggong pahinga sa Davao City, balik trabaho si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang.

Ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo, dadalo ang pangulo sa campaign rally sa Bohol sa Miyerkules, habang sa Huwebes, dadalo ang pangulo sa campaign rally ng partido ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte na Hugpong ng Pagbabago sa Davao City.

Hindi rin palalagpasin ng pangulo ang meeting-de-avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City sa Biyernes.

Dadalo rin ang pangulo sa sariling meeting-de-avance ng kanyang partido na PDP-Laban laban sa Sabado sa hindi pa tinukoy na lugar.

Panay ang pangangampanya ng pangulo sa mga pambatong senador ng administrasyon kahit walo na sa kanyang manok ang pasok sa pinakahuling senatorial survey ng Pulse Asia.

Read more...