Thunderstorm advisory itinaas ng PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

Nagpalabas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa abiso ng PAGASA, alas 10:10 ng umaga ng Lunes (May 6) ay nakararanas ng malakas na buhos ng ulan na may pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin ang Metro Manila, Zambales, Bulacan, Bataan, Rizal, Laguna at Quezon.

Parehong panahon din ang naranasan sa Alfonso at Tagaytay sa Cavite; at sa Laurel, Calaca, Balayan at Tuy sa Batangas.

Pinayuhan ang publiko na ang mga malakas na buhos ng ulan dulot ng thunderstorms ay maaring magdulot ng flash floods at landslides.

Read more...