Mga Muslim dumagsa sa Golden Mosque sa Quiapo para sa morning prayer ngayong unang araw ng Ramadan

Radyo Inquirer File Photo

Sinimulan ng mga Muslim sa Carmen, North Cotabato ang paggunita ng Ramadan sa pamamagitan ng “Kanduli” isa itong food offering tampok ang Maguindanaon delicacies.

Nagsalu-salu ang magkakaanak, magkakaibigan at magkakapitbahay.

Ito ay makarang ianunsyo ang pormal na pagsisimula ng Ramadan ngayong araw.

Samantala, sa Golden Mosque sa Quiapo Maynila, kahit umuulan, maagang dumating ang mga Muslim para manalangin.

Pasado alas 4:00 ng madaling araw nang magsimulang dumagsa ang mga Muslim sa Golden Mosque para sa morning prayer.

Read more...