4 arestado matapos mahulihan ng mga ilegal na droga at mga armas sa Maguindanao

Arestado ang apat na katao sa Maguindanao matapos mahulihan ng mga ilegal na droga at armas.

Kinilala ang nadakip na si Teddy Biang at tatlo niyang kasamahan.

Si Biang ay matagal nang wanted sa kasong murder, illegal drugs at illegal possession of firearms.

Siya din ay itinuturing na drug ring leader sa Maguindanao at sumuko na sa mga otoridad noong Enero.

Nakuha sa apat na suspek ang mahigit P300,000 halaga ng drug money, mga drug paraphernalia, mga armas, at mga bala na hinihinalang gagamitin sa May 13 elections.

Read more...