Most wanted arestado matapos magpa-ospital sa Maynila

Arestado ang isang lalaki na itinuturing na most wanted person ng Manila Police District (MPD).

Ang suspek na si Arnel Asunción, 22 anyos ay nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay Police Corporal Norman Hasal na sa loob ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Manila nasakote ang suspek.

Ito ay makaraang magsumbong ang isang impormante na doon naka-confine ang suspek matapos magtamo ng mga saksak sa katawan dahi sa pagkakasangkot sa gulo.

Nang usisain ng mga otoridad napag-alaman na may outstanding warrant of arrest ang suspek.

Walang piyansa na inerekumenda ang hukuman laban sa suspek.

Read more...