Dapat itong iturok lamang sa mga batang edad 9 hanggang 16 na kumpirmadong nagkaroon na ng “dengue”.
“Disapproved” sa kanila ang paggamit nito sa mga batang di pa nagkaka-dengue dahil nagtutuloy daw ito sa “severe dengue disease”.
Napapanahong balita, dahil pinatunayan nitong maling-mali sina ex-Pre-sident Noynoy at Health Secretary Janette Garin na nag-utos ng walang pinipiling “mass inoculation” ng mga kabataang estudyante noong 2016.
Minadali ang implementasyon nito kahit hindi pa tapos ang mga “clinical trials” ng P3.5-bilyon Dengvaxia project.
Ni hindi inalam sa mga bata kung nagkasakit sila o may iba pang sakit at basta tinurukan na lamang lahat.
Naalala ko ang paliwanag ni PNoy rito noong Nobyembre 2018, ang “benefits” daw ng Dengvaxia ay mas matimbang kaysa risks.
Sabi pa ni PNoy, epektibo raw ang Dengvaxia, sa loob ng 30 buwan at “.02 percent risk” lang daw sa mga di pa nagkaka-dengue, at ginamit pa niya ang sabi noon ng WHO at Lancet Medical journal.
Pero, iba ang ipinapakita ng mga bagong pag-aaral ngayon. Sa new England Journal of Medicine, ang mga batang hindi pa nagkaka-dengue kapag tinurukan ng Dengvaxia vaccine, ay may mataas na panganib na maospital at magkaroon ng “severe case” of dengue lalo na sa ikatlong taon matapos ang bakuna. Ibig sabihin, ngayong 2019 at 2020 mangyayari ang “severe dengue” ng mga tinurukang bata.
Sa totoo lang, lumi-litaw sa US-FDA na nasa seryosong panganib silang 733,133 kabataang sinaksakan ng Dengvaxia ng Aquino administration.
Ang matindi, higit kalahati nito ay walang “parental consent” o ni hindi alam ng mga magulang.
Hanggang ngayon, di pa tapos si Health Secretary Francisco Duque na alamin ang pangalan ng mga batang sinaksakan noong April 2016 ni Sec. Garin, na i-tinuloy naman ni dati ring Health Secretary Paulyn Rosell-Ubial December 2017.
Sa ngayon, naglaan ng ang gobyerno ng P1.16 bilyon para bigyan ng health at medical assistance ang mga batang sinaksakan ng Dengvaxia.
Naglaan din ng P213 milyon ngayong taon para sa 425 nurses, na iikot ng mga “public schools” para hanapin at alamin ang kundisyon ng mga nabakunahan at tulungan sila sa pagpapaospital.
Noong Biyernes, si-nabi sa akin ni PAO Director Atty Persida Acosta sa radio interview, na merong 1,000 kabataan ang namatay dahil sa Dengvaxia pero 700 ang “confirmed”.
Nasa 133 dito ang kanilang na-otopsiya, 124 sa mga namatay ay hindi pa nagkaroon ng dengue bago nabakunahan at siyam na bata naman ang namatay kahit nagkaroon na ng dengue bago nabakunahan.
Napaisip tuloy ako, kung susundin ang report ni Atty. Acosta na siyam na bata ang namatay kahit meron na dating dengue, aba’y dapat malaman ito agad ng US-FDA.
Hanggang ngayon, wala pang nangyayari sa imbestigasyon ng DOJ, DOH, Ombudsman kahit ang Senate blue ribbon committee noon si Sen. Dick Gordon ay sinabing dapat managot si PNoy at mga Cabinet officials nito sa Dengvaxia scandal.
Nakakahiya po na tatlong taon na ang nakalipas wala pa ring nangyayari.
(Panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM Lunes-Biyernes at mag-email sa jakejm2005@yahoo.com para sa comments)