Jackpot prize sa Grand Lotto aabot na sa P158M

Posibleng umabot sa P158 million na ang jackpot sa Grand Lotto 6/55 ngayong araw ng Lunes, May 6.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ito ay makaraang wala muling nagwagi sa draw noong Sabado ng gabi.

Walang nakakuha ng winning number combination na 35 14 41 55 32 at 29.

Mayroon namang walong mananaya na nakakuha ng limang number combination at makapag-uuwi sila ng P147,520.

Read more...