Labi ni dating House Speaker Nograles, dadalhin sa Kamara

Daldalhin ang labi ni dating House Speaker Prospero Nograles sa session hall ng Kamara bukas araw ng Martes, May 7, para sa isang misa at Necrological service.

Sa inilabas na abiso ng liderato ng Kamara, dakong alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali ay magkakaroon ng requiem mass at necrological service bilang pagkilala kay Speaker Nograles.

Matapos nito ay magkakaroon ng pananghalian para sa pamilya ng namayapa sa South Lounge ng Batasang Pambansa.

Dakong ala 1:00 ng hapon ay dadalhin na ang mga labi sa Davao para naman masilayan ng kanyang constituents.

Kahapon ay inilagak ang bangkay ni Nograles sa Chapel 1 ng Heritage Park, Fort Bonifacio, BGC, Taguig City at bandang alas 7:00 ng umaga nang magkaroon ng Philippine Flag draping ceremony na isinagawa ng congressional honor guards at sinaksihan naman ni House Secretary General Dante Roberto Maling at House Sergeant at Arms Romeo Prestosa,

Si Nograles ay nagsilbing House Speaker noong 2000.

Read more...