Noong nakaraang linggo, magkasunod na nagwagi sina Cheslie Kryst, 28 anyos sa Miss USA at si Kaleigh Garris.
Noong Setyembre ay kinoronahan bilang 2019 Miss America si Nia Franklin, 25 anyos.
Itinuturing na makasaysayan at powerful symbol ang pagkakapanalo ng tatlo sa magandang pagbabago sa pageantry.
Nuong 1984, si Vanessa Williams ay naging kauna-unahang black woman na nakakuha ng Miss America title.
Habang si Carole Gist naman ay naging unang Miss USA noong 1990 at si Janel Buishop ay naging unang Miss Teen USA noong 1991.
Ngayon lamang nagkaroon ng magkakasunod na pagkapanalo sa tatlong major pageants sa Amerika na puro black women ang nagwagi.
Ayon kay Elwood Watson, professor of history sa African-American studies sa East Tennessee State University matagal nang underrepresented ang mga black women sa mga pageant.
Katunayan, ilang dekada umano silang binawalang sumali sa Miss America.
Umaasa si Watson na ito na ang pagtatapos ng maling konsepto na ang ‘white women’ ang maituturing na standard ng kagandahan.