Palauig, Zambales niyanig ng magnitude 3.7 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang bayan ng Palauig sa lalawigan ng Zambales.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 46 kilometers southwest ng Palauig alas 5:27 ng umaga ng Lunes, May 6.

Ayon sa Phivolcs, 21 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

Read more...