LOOK: Status ng mga dam sa Luzon ngayong araw, May 6

Patuloy na nababawasan ang water level sa mga dam sa Luzon.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, May 6, nasa 176.10 meters ang water level sa Angat dam.

Nabawasan ito kumpara sa 176.49 meters na water level kahapon.

Samantala, nanatili naman sa 68.45 meters ang water level ng La Mesa dam at hindi nabawasan sa nakalipas na 24 oras.

Ang Ipo dam, Binga dam, at San Roque dam ay pawang nabawasan ang water level.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao, Pantabangan Magat at Caliraya dams.

Read more...