Ayon kay PAGASA weather specialist Meno Mendoza, ang LPA ay huling namataan sa layong 1,265 kilometers east ng Mindanao.
Wala pa itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa.
Samantala, sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region (CAR) at Ilocos Region at apektado ng frontal system.
Maari itong magdulot ng kalat-kalat na pag-ulan pagkulog at pagkidlat.
Ang Metro Manila naman at nalalabi pang bahagi ng Luzon ay makararanas ng mainit at
maalinsangang panahon ngayong araw na may mga panandaliang pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Isolated thunderstorms naman ang mararanasan sa buong Visayas at Mindanao.
Ayon sa PAGASA ang mga mararanasang daglian at malakas na buhos ng ulan ay maaring makapagdulot ng flash floods at landslides.