Ikinasa ng mga tauhan ng CIDG Cavite Provincial Field Unit (PFU) at Cavite Provincial Intelligence Branch (PIB) ang operasyon sa Barangay Zapote 5, Bacoor City, Linggo (May 5) ng umaga Cavite matapos makatanggap ng sumbong mula sa mga residente.
Ayon kay Police B/Gen. Edward Carranza, regional director ng PRO-Calabarzon, nakuha mula sa mga naaresto ang maliliit na brown na sobre may lamang P200 bawat isa na may kabuuang halaga na P200,000.
Na-recover din ng mga otoridad mula sa sampu ang isang plastic bag na may lamang mga wristband, isang notebook na may nakalistang mga pangalan, t-shirt na may naka-imprentang “Tapat sa Bayan, Tapat sa Usapan” Jonvic Remulla Gobernador at Jolo Revilla Bise Gobernador sa harapan at “Vote WOW 169 Pilipinas” sa likuran.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina:
– Teresita Tamio Marjes
– Irene Herrera Morales
– Elsie Del Mundo Alano
– Jayson Camatoy Alab
– Rex Avila Del Rosario
– Jose Dizon De Leon
– Gregorio Mine Tamio
– Michael Rodriguez Omedes
– Joselino Avilla Vill
– Jowel Lomat Sale
Ang mga nadakip ay mahaharap sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code.
Sinabi ni Carranza na tiyak magkakaroon ng parehong insidente ng vote buying sa mismong araw ng halalan kaya mahigpit ang bilin niya sa mga tauhan ng PRO-Calabarzon na maging mapagbantay sa ganitong insidente.