Magkakasunod na aksidente naitala ng MMDA sa EDSA

Maagang naabala ang daloy ng traffic sa kahabaan ng EDSA dahil sa naganap na magkakasunod na aksidente ngayong Lunes (May 6) ng umaga.

Alas 4:33 ng madaling araw nang maaksidente ang isang pampasaherong bus sa EDSA Connecticut Southbound.

Inararo ng bus ang helera ng concrete barriers sa lugar na nagsisilbing harang para sa mga sasakyang iibabaw at iilalim ng Ortigas.

Dalawang minuto lamang ang nakalipas, alas 4:35 ng madaling araw nagkarambola naman ang tatlong mga sasakyan sa tapat lamang mismo ng bus na unang naaksidente.

Nagkabanggaan ang isang taxi, SUV at isang kotse bago umakyat ng Ortigas flyover.

Posibleng ang mga kumalat na debris sa EDSA mula sa mga nawasak na concrete barriers na binangga ng bus ang dahilan ng aksidente.

Alas 5:12 naman ng umaga nang isang bus at kotse ang magkabanggaan sa EDSA Reliance Northbound.

Habang alas 5:15 ng umaga, dalawang SUV at isang kotse naman ang nagkarambola sa EDSA Annapolis Southbound.

Nasundan pa ito ng isa pang aksidente sa EDSA Ortigas MRT Southbound sangkot ang dalawang pampasaherong bus alas 5:31 ng umaga.

Read more...