Sa datos ng Phivolcs, alas 12:24 ng madaling araw kanina (May 6) nang maitala ang magnitude 3.5 na lindol sa bayan ng General Luna sa Surigao Del Norte.
Naitala ang lindol sa layong 50 kilometers Southeast ng General Luna at may lalim na 7 kilometers.
Alas 12:35 naman ng madaling araw nang maitala ang magnitude 3.0 na lindol sa Rizal, Occidental Mindoro.
Ang epicenter ng pagyanig ay naitala sa 23 kilometers southwest ng Rizal at may lalim na 4 kilometers.
Naitala ang Intensity I sa San Jose City, Occidental Mindoro dahil sa nasabing lindol.
Alas 1:49 naman ng madaling araw nang maitala ng Phivolcs ang magnitude 3.5 na lindol sa 60 kilometers northeast ng Divilacan, Isabela.
26 kilometers naman ang lalim ng pagyanig at tectonic ang origin.
At alas 3:48 ng madaling araw nang maitala naman ang magnitude 3.0 na lindol sa Governor Generoso sa Davao Oriental.
Ayon sa Phivolcs ang pagyanig ay may lalim na 146 kilometers at naitala ang epicenter nito sa layong 83 kilometers southeast ng Governor Generoso.
Ang magkakasunod na lindol ay hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.