Ang bawas-presyo ay matapos ang apat na sunod na linggong oil price hike.
Buena manong nagpatupad ang Phoenix Petroleum ng P1 bawas sa kada litro ng gasolina at P0.80 sa kada litro ng diesel alas-12:01 pa lang ng tanghali ng Sabado.
Ganito rin ang oil price rollback ng Unioil at Petro Gazz.
Epektibo ang rollback ng Unioil alas-6:00 ng umaga ng Linggo habang mamayang alas-6:00 ang Petro Gazz.
Ang Seaoil at Shell naman ay may mas maliit na rollback sa gasolina sa P0.90 kada litro, P0.80 kada litro naman sa diesel at gasolina.
Epektibo na ang rollback ng Seaoil alas-12:01 ng hatinggabi pa lamang ng Linggo at bukas naman ng alas-6:00 ng umaga ang Shell.
Inaasahang mag-aanunsyo na rin ng bawas-presyo ang ilan pang kumpanya ng langis.