Nauna nang sinabi ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Sevillo David Jr. na ngayon ang tamang panahon dahil nakadepende ang operasyon kung may seedable clouds.
Bago pa umabot sa critical level ang tubig sa Angat Dam ay iminungkahi na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at NWRB ang pagsasagawa ng cloud seeding.
Gayunman ay hindi maayos ang kalidad ng mga ulap para sa cloud seeding noong mga nagdaang linggo.
Samantala, suspendido na ang alokasyon ng Angat Dam para sa irigasyon sa Huwebes, May 16 upang matipid ang tubig mula sa reservoir.
Hindi naman umano lubos itong makakaapekto sa mga pananim dahil malapit na ang panahon ng anihan.
Tiniyak naman ni David na walang water shortage na magaganap sa Metro Manila dahil tuloy ang alokasyon sa mga residente.