Ito ay matapos kumita ang pelikula ng $2.2 billion mula sa pinagsamang kita mula sa North America at iba’t ibang panig ng mundo.
Naungusan na ng Endgame ang ‘Titanic’ bilang second highest-grossing film sa buong mundo.
Ikalawa na ang Endgame sa ‘Avatar’ na may $2.8 billion na international sales.
Gayunman, ang Avatar ay nakakuha ng $2 billion sa loob ng 47 araw kumpara sa 11 araw ng Endgame.
Ayon naman sa media analysts, magiging pagsubok sa Endgame ang mas competitive na mga pelikulang darating ngayong summer season.
Ipinapalabas pa rin ang pelikula sa 4,662 movie theaters sa North America.
MOST READ
LATEST STORIES