Sa isang pahayag sinabi ni National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan na simula madaling araw ngayong Lunes ay dapat nang mag-ayuno ang mga Muslim.
Inanunsyo rin ng Saudi Arabia ang pagsisimula ng fasting ngayong araw dahil ang Linggo umano ay ang huling araw ng Shabaan sa ilalim ng Hijri calendar.
Ang Ramadan ay bahagi ng 5 pillars of Islam at nailalapit ng panahong ito ang mga Muslim kay Allah.
Sa loob ng isang buwan ay iniiwasan ang pagkain at pag-inom ng tubig mula pagsikat at paglubog ng araw
Iniiwasan din ang mga makamundong gawain tulad ng sexual activities at mga bisyo.
Dapat ding may supplementary prayers ang mga Muslim bukod pa sa arawang limang beses na pagdarasal.
Magtatapos ang Ramadan sa Eid ul-Fitr o Hari Raya Puasa.