Pangulong Duterte bumisita sa burol ni dating Speaker Nograles

Photo from Office of the Cabinet Secretary

Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ni dating House Speaker Prospero Nograles sa Heritage Park, Taguig City, Linggo ng gabi.

Ang pagdalaw ng pangulo ay matapos ang pagbisita rin ng malalaking personalidad sa burol tulad nina Solicitor General Jose Calida, Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio, Finance Secretary Sonny Dominguez at iba pa.

Magugunitang pumanaw ang dating lider ng Kamara sa edad na 71 araw ng Sabado dahil sa “respiratory failure”.

Ang pangulo at si Nograles ay naging magkatunggali sa pulitika sa loob ng dalawang dekada.

Tumakbo ang dating Speaker laban sa pangulo noong 1992 sa pagkaalkalde ng Davao City ngunit natalo ito.

Sinubukan ulit nitong masungkit ang mayoralty post taon namang 2010 ngunit natalo naman kay Mayor Sara Duterte-Carpio.

Noong presidential elections, sinuportahan ni Nograles at ng kanyang pamilya ang kandidatura ni Duterte hudyat ng pagtatapos ng political rivalry ng dalawang pamilya.

Noong November 2016 ay itinalaga ng presidente ang anak ni Nograles na si Karlo bilang Cabinet Secretary.

Read more...