Duterte, tamad at mistulang hari – Trillanes

Tamad at mistulang hari.

Ito ang maging banat ni Senador Antonio Trillanes IV sa litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang araw nang hindi nakikita sa harap ng publiko at nanonood lamang ng Netflix sa kaniyang bahay sa Davao City.

Ayon kay Trillanes, ipinakita lamang ng pangulo kung gaano siya katamad na lider.

Sinabi pa ni Trillanes na ipinamumukha lamang ng pangulo na mistula siyang hari o king.

Base sa litrato na ipinamahagi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, makikita na panay lamang ang panonood ng pangulo ng Dyango Unchained sa kaniyang bahay sa Davao.

Read more...