Sa datos ng PAGASA weather bureau, naitala ang pinakamataas na heat index sa Surigao City, Surigao del Norte sa 48.2 degrees Celsius bandang 3:00 ng hapon.
Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan ng tao na kadalasang mas mataas sa air temperature.
Narito naman ang naramdamang heat index sa mga sumusunod na lugar:
– Ambulong, Batangas (43.5 degrees Celsius)
– Butuan City, Agusan del Norte (41.4 degrees Celsius)
– Calapan, Oriental Mindoro (46.6 degrees Celsius)
– Casiguran, Aurora (43.8 degrees Celsius)
– Catbalogan, Western Samar (42.4 degrees Celsius)
– Cotabato City, Maguindanao (41.2 degrees Celsius)
– Cuyo, Palawan (43.1 degrees Celsius)
– Dagupan City, Pangasinan (43.7 degrees Celsius)
– Davao City, Davao del Sur (43.5 degrees Celsius)
– Dipolog, Zamboanga del Norte (42.9 degrees Celsius)
– El Salvador City, Misamis Oriental (41.9 degrees Celsius)
– Guiuan, Eastern Samar (45.7 degrees Celsius)
– NAIA Pasay City, Metro Manila (42.6 degrees Celsius)
– Roxas City, Capiz (43.8 degrees Celsius)
– San Jose City, Occidental Mindoro (42 degrees Celsius)
– Sangley Point, Cavite (42 degrees Celsius)
– Science Garden Quezon City, Metro Manila (42.2 degrees Celsius)
– Virac, Catanduanes (44.2 degrees Celsius)
Maikokonsidera sa danger category ang isang lugar na may heat index na 41 hanggang 54 degrees Celsius.
Sa ganitong temperatura, sinabi ng weather bureau na mapanganib ang heat cramps at heat exhaustion sa mga tao at ang patuloy na aktibidad ay maaaring mauwi sa heat stroke.