LOOK: Kauna-unahang ALS-EST Learning Center sa Lawaan, Eastern Samar binuksan na

Binuksan na ng Department of Education (DepEd) ang kauna-unahang Alternative System–Education and Skills Training (ALS-EST) Learning Center sa Lawaan National School of Craftsmanship and Home Industries sa Lawaan, Eastern Samar.

Sina Education Undersecretary at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan ng naturang proyekto at Australian Ambassador Steven Robinson ang nanguna sa opening ceremony.

Ayon kay Malaluan, nabuhay ang bayanihan sa pagbubukas ng proyekto dahil sa pagtutulungan ng DepEd at Basic Education Sector Transformation (BEST) program ng Australia at Philippine Business for Social Progress (PBSP).

Nabatid na ang ALS-EST program ay isasama na sa academic curriculum ng regular ALS program.

Target ng programa na maabot at mabigyan ng maayos na edukasyon ang out-of-school youth at adults.

Nabatid na ang 444-square meter learning hub ay disaster proof.

Read more...