Mga establisimyento sa El Nido, Palawan kailangan sumunod sa mga regulasyon sa pagtatapos ng Mayo – DILG

Kinakailangang sumunod ng mga establisimyento sa El Nido, Palawan sa ipinatupad na regulasyon sa pagtatapos ng buwan ng Mayo, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na binigyan na ng gobyerno ang mga establisimyento ng sapat na panahon para makumpleto ang mga itinakdang requirement noong mga nakalipas na buwan.

Naipaliwanag na rin aniya kung bakit at paano makakasunod sa regulasyon.

Sakali mang mabigo, sinabi ni Año na ipasasara ang establisimyento.

Dagdag pa ng kalihim, dapat maging mahigpit ang local government unit (LGU) sa pagpapatupad ng regulasyon at paglalabas ng permit.

Matatandaang sinimulan ang anim na buwang rehabilitasyon sa El Nido noong nakaraang taon kung saan hindi bababa sa 22 establisimyento ang ipinasara dahil sa kabiguang sumunod sa regulasyon ng gobyerno.

Read more...