Pambato ng Pilipinas, itinanghal na Mr. Gay World 2019

Photo grab from Janjep Carlos’ Instagram accountt

Nakapag-uwi na naman ang Pilipinas ng korona.

Ito ay matapos itanghal ang naging pambato ng Pilipinas na si John Jeffrey “Janjep” Carlos bilang Mr. Gay World 2019.

Natalo ni Janjep ang nasa 21 kandidato sa idinaos na awarding ceremony sa South Africa.

Narito naman ang mga runner-up sa beauty contest:
– 1st runner-up (Francisco Alvarado mula sa Spain)
– 2nd runner-up (Oliver Pusztai mula sa Hungary)
– 3rd runner-up (Chayodhom Samibat mula sa Thailand)
– 4th runner-up (Nick Van Vooren mula sa Belgium)

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nakapag-uwi ng korona ang Pilipinas sa beauty contest matapos manalo si John Fernandez Raspado taong 2017.

Read more...