Pinoy boxer Jerwin Ancajas, muling naidepensa ang IBF super flyweight title

Photo courtesy: Top Rank Boxing’s Twitter account

Muling naidepensa ni Filipino boxer Jerwin Ancajas ang kaniyang IBF super flyweight title.

Ito ay makaraang mapatumba ni Ancajas ang Japanese challenger na si Ryuichi Funai sa kaniyang boxing match sa Stockton Arena sa Stockton, California USA, araw ng Linggo.

Napatumba ng 27-anyos na Pinoy boxer si Funai sa ikapitong round ng kanilang laban.

Dahil dito, si Ancajas ay mayroon nang 31-1-2 record kung saan 21 rito ay knockouts.

Ito na ang ikapitong beses na naidepensa ni Ancajas ang kaniyang IBF super flyweight title.

Read more...