Speaker GMA, nakiramay sa pamilyang naiwan ni ex-Speaker Prospero Nograles

Nagparating ng pakikiramay si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa naiwang pamilya at kaibigan ni dating House Speaker Prospero Nograles.

Sa inilabas na pahayag, binigyang-pagkilala ni Arroyo ang mahabang panunungkulan ni Nograles sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Naging malaki aniya ang tulong ni Nograles sa kaniyang trabaho noon bilang undersecretary ng Department of Trade and Industry (DTI).

Pinuri pa ni Arroyo ang pagsisilbi ni Nograles bilang House Speaker mula 2008 hanggang 2010 noong siya pa ang pangulo ng Pilipinas.

Inalala rin ni Arroyo kung gaano si Nograles kamahal hindi lamang ng mga kapwa-kongresista kundi maging ng mga empleyado sa Kongreso.

Pumanaw si Nograles araw ng Sabado, May 4, sa edad na 71.

Read more...